Una sa Balita

Tiklop kay Mariel! Robin nag-sorry sa Kapamilya

0 836

Sa halip na maging bida, kontrabida nga ang na­ging tingin kay Robin Padilla, dahil sa mensahe niya na sumunod sa batas, na may kaugnayan nga sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Marami nga ang nag-interpret sa mensahe ni Robin sa Instagram, na ang dating ay panlalaglag sa Dos, na nagbigay rin sa kanya ng trabaho sa mahabang panahon.

Pero, kahapon nga, Araw ng mga Puso, nag­labas ng mensahe si Ro­bin, bilang regalo raw niya sa kanyang misis na si Mariel Padilla, na isa ngang Kapamilya star.

“Praise be to God! Pabida daw ako sabi ng netizen, pasensya na po kayo ilang dekada rin po ako na nagbida sa maraming pelikula at teleserye katunayan ako po ay pinalad na maranasan ang golden era ng movies at television when monopoly is still not the language but passion and expression when making movies and shows are like paintings not factory made masuerte ako na inabutan ko ang mga katulad nina Fernando Poe Jr at Rudy Fernandez mga artistang naging boses ng manggagawa sa sining hindi nga lang maisabatas ang mga negosasyon dahil laging nasa awa lamang ng mga producer nakasalalay maisakatuparan ang napagkasunduan kayat napakapalad ng mga bida sa oras na ito dahil bumagsak sa harapan nila ang usapin at isyu ng abscbn isang pagkakataon ito na hindi naibigay sa mga hari ng pelikulang pilipino isang ilaw ito sa isang napakadilim na mundo ng showbizness 70 percent ng workers sa movie industry are living in poverty at sila yon mga nasa ground and almost 90 percent ng lead actors and actresses character actors and actresses die in poverty and shame some are exploited to gain mercy and financial assistance The King himself Eddie Garcia died in vain and in pain while performing his duty as an actor…” sabi ni Robin.

At dito nga niya ibinulalas ang regalo niya kay Mariel.

“As a gift to my wife this Valentine’s day I apologize to all her family and friends in abscbn ganon din sa gma at tv5 patawarin niyo ako the ex-convict in me overtook my emotions inaamin ko ang aking pagiging mapusok i could have said my piece in a spiritual way. “Let’s give the profit of our labor to our employers but our voices to the laborers”
@marieltpadilla.”

Bagama’t sumang-ayon ang mga follower ni Robin sa paghingi niya ng paumanhin, iginiit din nila na may katuwiran nga ang aktor sa mga sinabi niya noon. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More