Una sa Balita

Tikbalang kontrabida sa Pinoy-inspired PC game

0 179

Tila darami ang magpupuyat sa oras na ilabas na ang indie game na isa sa naging inspirasyon ay ang Philippine mythology, kasama na ang sikat na tikbalang.

Ang larong ‘Good Knight’ ay gawa ng Turbothumbs Incorporated, parte ng development team sina game director Alex Valdez, game artist Zaid Al-Shaheed, art assistant Jeff Molina, composer Ramon Nario at kanilang mga kasama sa Maynila.

Ang ‘Good Knight’ ay pinagsamang genre ng Philippine mytho­logy, history, Victorian at gothic horror para mabuo ang arcade game na malalaro ng hanggang apat na tao.

Sa nasabing laro, bida ang isang Spanish knight, na kakaila­nganing daa­nan ang ilang mga halimaw para makasamang muli ang minamahal na patay na.

May simpleng controls ang ‘Good Knight’, isang button lang ang gagamitin para maiwasan ang mga ‘bala’ at kokontrolin naman ang pagtira sa mga kalaban gamit ang analog stick.

“The game’s one-button design was inspired by an old prototype I made within 30 mi­nutes,” ayon kay Valdez.

Unang pinakita sa madla ang ‘Good Knight’ sa ESGS 2018 Indie Fiesta, kung saan gumawa ng ingay ang laro dahil sa disensyong Pinoy at may halo pang lengguwaheng Tagalog.(RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy