Una sa Balita

Tikas ni Raxa Bago lumabas

0 168

IPINAKITA ni class A rider Rodeo Fernandez ang husay sa rematehan ni Raxa Bago matapos biguin ang magkakamping liyamadong sina Cole Is Bright at Tool Of Choice sa Group Race category 10 Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nauna sa largahan si Cole Is Bright pero pagpasok ng far turn ay kasama na niya sa unahan ang kakamping si Tool Of Choice habang nagtatrabaho na si Fernandez para pausadin si second choice Raxa Bago.

Sa rektahan ay magkapanabayan pa rin sa unahan ang magkakuwadrang Cool Is Bright at Tool Of Choice, tatlong kabayo ang lamang nila sa rumeremateng si Raxa Bago.

Hindi nasira ang loob ng magkatropang Fernandez at Raxa Bago, kayog at palo ang ginawa ng hinete kaya naman natuka nito sa meta sina Tool Of Choice.

“Dire-diretso ang remate, walang sagabal mabuti at lumampas kami,” masayang kuwento ni Fernandez.

Nirehistro ni Raxa Bago ang 1:13 minuto sa 1,200-meter race. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy