Una sa Balita

Tikas ni Ballesteros sa Gins inihambalos

By
0 3,387

PANIBAGONG kakompetensiya ng Ginebra ang Meralco na gumimbal sa kanila, 84-82, sa PBA Philippine Cup elims sa Philippine Arena sa Bulacan noong Linggo.

Ang reserved big man ng Meralco na si Jason Ballesteros ang nagsalba sa Meralco para magkatsansang makapasok pa sa playoffs ng 43rd (2017-2018) season-opening conference.

Tatlo sa kaniyang seven points ang importante niyang kinamada sa papaupos na mga segundo sa matensyon at kapana-panabik na sultada.

Pagkamintis nina Reynel Hugnatan at Chris Newsome, nakuha ni Ballesteros ang offensive rebound at naipasok ang lay-in para makuha ang isang puntos na kalamangan, mayroon na lamang 36 seconds ang nalalabi.

Pagkabalik sa Gin Kings ng bola, sumablay ang tira ni Scottie Thompson at muling nakuha ni Ballesteros ang defensive rebound at agaran siyang na-foul ni Greg Slaughter sa nalalabing 19 saglit. Isa lamang ang naipasok ni Ballesteros sa kaniyang freethrow kaya buhay pa rin ang Gins.

Maipapanalo pa ni Japeth Aguilar ang laban pero sablay sa buzzer beater three-point shot, at nakuha nila ang panglimang talo sa 10 laro.

May career-high na 17 rebounds sa pitong taon na niyang paglalaro sa liga si Ballesteros.

“Bwenas lang,” aniya. “Sabi ni coach, kung gusto naming pumasok sa quarters, maglaro kami nang maayos. Saka lalo ngayon na ‘yung mga big man kailangan mag-step up kasi malalaki nga ang Ginebra so ‘yun ang ginawa ko.”