Una sa Balita

Tigil shooting sa network ikinakasa: Aktres napraning sa virus, ayaw nang mag-taping

0 567

Nakakuwentuhan namin­ ang aktres na matagal-­tagal na rin hindi gumagawa ng serye. Eh, nagkataong napa-oo at tinanggap­ niya ang bagong serye ng isang network.

Kagagaling lang daw niya ng taping at nagpapasalamat na kahit paano, two sequences lang siya kaya kalahating araw lang, na-pack-up na siya.

Pero sey niya, “Ayoko na ngang mag-taping. Grabe, kahit­ ayokong mapraning, nakaka-praning pa rin. Sana naman sumunod ang (network) na huwag na munang magpa-taping.

“Imagine, sa taping, mass gathering pa rin iyon. Hundreds din ang bilang ng taong nandoon. Nakakatakot talaga.”

Gets na gets namin ang pinanggagalingan ng aktres na wala rin namang kaibahan sa takot na nararamdaman ng karamihang Pinoy o tao globally dahil nga sa threat na dala ng COVID-19.

Pero paano nga kaya ang mga nasa taping, lalo na iyong ongoing pa ang serye. Itong si aktres, hindi pa naman ipinapalabas ang serye nila, advance taping lang sila.

May narinig kami na posibleng kung i-impose nga ang 1 month community quarantine at kung sakali at susundin ang panukala ni Vice President Leni Robredo na mag-work from home na lang, maliban sa mga trabaho na kailangan talaga sa situwasyon ngayon,­ may network na naka-ready na raw na ipalabas na lang muna ay mga rerun o replay ng mga programa.

Puwedeng-puwede naman nga iyon dahil maiintindihan ng lahat. At the same time, iwas din sa peligro ang mga staff at artista na aminin, hindi naman mga exempted kung sakali sa COVID-19.

***

Idinadaan sa TikTok ng ilan sa mga artista ngayon ang pagpapa-panic dahil sa COVID-19. Ang daming aliw na aliw na mga celebrity sa TikTok base sa mga nakikita naming nagpo-post sa social media sa gitna ng coronavirus.

Aiko, Katrina, Camille mga adik sa TikTok

Kung tutuusin, ang tagal na ng app na TikTok. Sa mga hindi nakakaalam, late last year, nagsimulang i-endorse ito ng South Korean Triple Threat Star na si Lee Seung Gi bilang siya ang kinuhang ambassador ng TikTok at obviously, mukhang effective ang campaign.

Kahit ang DOH, idinaan sa TikTok ang pag-anunsiyo para ma-prevent ang virus. Habang naaadik naman si Katrina Halili sa pag-TikTok, gayundin sina Camille Prats, Sherilyn Reyes, Aiko Melendez at iba pa.

Pauline bagong ‘babae’ ni Manolo

Dahil kilala namin persona­lly ang Kapuso chinito heartthrob na si Manolo Pedrosa, alam namin na ilang buwan din siyang natengga after noong huli niyang serye.

Pero masaya pa rin ito dahil kahit wala raw siyang serye, tuloy-tuloy ang pagwo-workshop niya under GMAAC at may iba’t ibang guesting.

Mukhang ang isa sa nakuha ni Manolo sa network ay confidence. Feeling safe ito na hintay-hintay lang at siguradong may ibibigay na work pa rin.

True enough nga, isa siya sa mga bida ng bagong serye ngayon ng network, kunsaan, makakatambal niya si Pauline Mendoza.

Sey ni Manolo, “This time ako iyong leading man ni Pauline. What’s good about working with Pauline is that I’m already close with her kasi kasama ko siya sa workshop under Anthony Bova. Na-establish na iyong trust and connection namin and we’ve shared our vulnerabilities with each other through the workshop,” sabi ni Manolo.

Nakita namin ang picture ng dalawa na magkasama, physically ay mukhang okay ang chemistry nila.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More