Una sa Balita

Tigil putakan

By
0 199

May ilang sektor na nananawagan na itigil na nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Antonio Trillanes IV ang batuhan nila ng putik.

Hindi na anila nakatutulong sa mga tunay na problema ng bansa ang ba­ngayan ng dalawan­g lider.

Nasa korte na naman ang usapin at hayaan na sila na magbigay ng tamang interpretasyon sa naging pagbawi ni Pangulong Duterte sa amnestiya ni Trillanes.

Lord Kayo na po ang bahala! 

Balitawit:

Tayong dalawa

(Rey Valera)

Kapwa naninira

kapwa nasasaktan

Bakit tinitira parin ang isa’t isa

Lagi na lamang bang ganito ang buhay natin?

‘Di na matitiis paghihirap sa bilihin

Sanay nadarama ninyo rin ang paghihirap ko

Related Posts

At sanay pakinggan ang pakiusap ko sa inyo…

REFRAIN:

Hindi ko na hinahangad ang murang bigas n’yo! 

Ang pagdamay n’yo lang ang tangin­g hinahanap ko

Maaari bang sanay magsitigil na kayo

Pagkat kayong dalawa ay satsat nang satsat…

‘Di na matitiis paghihirap sa trapik…

Sanay nadarama mo rin ang paghihirap ko

Biyaheng impyerno mula Pasay ‘gang Monumento…

REFRAIN:

Hindi ko na hinahangad ang presyo ay bumaba…

Pero baka puwede naman sahod ay maiba..

Maaari bang sanay patawarin mo ako

Pagkat kayong dalawa ay satsat nang satsat.