Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tigil pangingisda ikinasa sa sirit presyo ng langis

0 206

Maglulunsad ng fishing strike ang isang grupo ng mga mangingisda sa March 15, kung saan hindi sila papalaot para humuli ng isda bilang protesta sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, ang fishing strike o tigil-palaot ay suporta na rin sa gagawing kilos-protesta ng transport sektor dahil sa napakataas na presyo ng langis.

Sabi ng Pamalakaya, 11 magkakasunod na linggo nang taas nang taas ang presyo ng gasolina at nakikinita na ng ilan na lampas P8 ang itataas sa presyo ng gasolina at mahigit P12 sa presyo ng diesel ngayong linggo.

“Nananawagan kami sa mga maliliit na mangingisda, maging sa mga operator ng commercial fishing vessels sa buong bansa na makiisa sa tigil-palaot sa March 15, laban sa sunod-sunod na taas-presyo ng langis,” sabi ni Pamalakaya national spokesperson Ronnel Arambulo kahapon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.