Una sa Balita

Tiger Woods ‘uncertain’ sa golf

0 4

Nakabalik na si Tiger Woods mula sa pang-apat na operasyon. Nasa Jersey City sa New Jersey ang itinuring na isa sa pinakamatinik na lumaro ng golf na si Woods nitong Miyerkules, pero hindi para lumaro sa Presidents Cup.

Hindi siya papalo, sasakay lang sa cart bilang assistant captain sa Liberty National.

Hindi nga niya sigurado kung makakabalik pa sa paglalaro. Huling sumipat sa golf course si Woods sa Dubai Desert Classic walong buwan na ang nakakaraan, tumira ng 77 sa first round at nag-withdraw kinabukasan dahil nananakit ang likod.

April ay inoperahan siya sa likod. “Yeah, definitely,” sagot ni Woods nang matanong kung naiisip niyang tuluyan nang hindi bumalik sa kumpetisyon. “I don’t know what my future holds for me.”