Una sa Balita

Tigdas

By
0 405

Balitawit:
Sa ugoy ng duyan
(Aiza Seguerra)
Sana’y may bakuna si baby noong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang yakap ng Inang mahal…
Puno ng pag-ibig habang siya’y nasa duyan…
Sana’y may bakuna si baby noong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
‘Di napabayaan, may oras si Inang mahal
Libre sa health center, halina’t magpa-bakuna!
Bridge:
Sa kanyang pagtulog na labis ang lagnat…
May pantal sa hita, sa braso at mukha…
Sa piling ni Nanay, langit ay buhay
Puso nga’y may dusa, sana ay may bakuna!
Sana’y si Acosta, si Duque, magbati na!
Dahil sa dengvaxia, natakot sa bakuna…
At ngayon dumami, ang tigdas may outbreak na!!!
‘Di lang sa Maynila, maging sa mga probinsiya.
Bridge:
Sa kanyang pagtulog na labis ang lagnat…
May pantal sa hita, sa braso at mukha…
Sa piling ni Nanay, langit ay buhay
Puso nga’y may dusa, sana ay may bakuna!
Sana’y may bakuna si baby noong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang yakap ng Inang mahal…
Puno ng pag-ibig habang siya’y nasa duyan…
Lord Ikaw na ang bahala!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy