Una sa Balita

Tigdas task force itatatag sa Calabarzon

By
0 378

BUBUO ng isang measles task force ang Department of Health (DOH) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) para sa pagbuo ng mga hakbang kung papaano matutugunan ang measles outbreak sa rehiyon.

Una nang nagdeklara ng measles outbreak sa Calabarzon ang DOH kasunod na rin ng pagdami ng mga tinatamaan ng sakit sa lugar.

Sinabi ni Regional Director Eduardo C. Janairo, pinulong nila kamakalawa ang mga Provincial Health Officer (PHO), City Health Officer (CHO), Municipal Health Officer (MHO), National Immunization Program (NIP) Coordinator at Provincial Health Team Officer (PHTO), kabilang ang mga Development Management Officer (DMO) upang makagawa ng mga hakbang na magkokontrol sa mabilis na pagdami ng mga kaso ng sakit sa rehiyon.

Nalaman na napagkasunduang bumuo ng isang task force na lilikha ng mga istratehiya at mga plano na ipatutupad para makontrol ang sitwasyon, at matiyak na matutugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga pasyente.

“We need to have a uniform strategy in the implementation of the mass immunization activity against measles, especially in the recording, reporting and monitoring of cases. This is for proper documentation and evaluation,” ani Janairo.

Tiniyak din ni Janairo na sapat ang supply ng mga vaccine sa lokal na lebel kabilang na sa mga grupo na magbabahay-bahay sa pagbabakuna. Makikipag-coordinate rin sila sa mga lokal na pamahalaan para makatiyak na sasapat ang vaccine na gagamitin.

Nabatid sa record ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), kabuuang 972 kaso na ng sakit ang naitala nila mula Enero 1, 2019 hanggang Pebrero 9, 2019, kunsaan 25 sa mga ito ang binawian ng buhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy