Una sa Balita

Tigdas sakop ng PhilHealth insurance

By
0 275

SAKOP ng insurance ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang sakit na tigdas matapos ideklara ng Department of Health (DOH) ang measles outbreak sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa PhilHealth, nagsisimula sa P7,700 hanggang P25,700 ang maaa­ring sagutin ng PhilHealth bilang gastos ng pasyente sa ospital depende sa komplikasyon na dulot ng tigdas.

Samantala, maaari pa ring matulungan ng ahensiya ang mga pasyenteng wala pang aktibong PhilHealth coverage­ sa pamamagitan ng Point of Service (POS) program.

Kailangan lamang mapatunayan na walang kakayahang magbayad ang mga pasyente.

Sasagutin din ng pamahalaan ang ­unang taon ng kanilang premium para sa health insurance.