Una sa Balita

Tigdas outbreak sa Europe

0 376

May tigdas outbreak din sa Europe at batay sa ulat ng World Health Organization (WHO) ay nakapagtala ang kontinente ng tripling kaso ng nasabing sakit mula 2017 hanggang 2018 na umabot ng higit 80,000.

Ayon sa WHO, hindi pa rin sapat ang mga isinasagawang pagbakuna para mapigilan ang pagkalat ng virus sa maraming bansa sa Europe.

Ang dahilan ay maraming magulang diumano ang ayaw pabakunahan ang kanilang mga anak.

May mga anti-vaccine campaigne­r din na hinihimok ang mga magulang na huwag pabakunahan ang knailang anak sa kabila ng matibay na scientific evidence na ligtas at epektibo ang pagbabakuna.

Sa Ukraine nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng tinamaan ng tigdas na umabot ng 53,218 mula Enero hanggang Disyembre 2018.

Sampung beses na mas mataas ang naitalang kaso ng tigdas sa Ukraine kumpara sa Serbia, pumapangalawa sa listahan, na mayroong 5,076 kaso ng tigdas.

Kabilang pa sa mga bansang may tigdas outbreak ay sa Israel, France, Italy, Russia, Georgia, Greece, Albania at Romania. Nakapagtala naman ng 953 kaso ng tigdas sa Bri­tain noong nakaraang taon.

Tiniyak naman ng WHO na patuloy sila sa pagbabakuna sa mga dinapuan ng tigdas.