Una sa Balita

Tigasing posisyon ng Vietnam sa South China Sea dapat suportahan ng PH

0 666

Tinukuran ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano ang panawagan ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na dapat maki­pagtulungan ang Pilipinas sa Vietnam sa itinutulak na Code of Conduct (COC) sa South China Sea.

“Vietnam has taken a strong stance against pro-China provisions in the proposed COC. The Philippines must support Vietnam on this to block the attempts of China to gain complete control of entire South China Sea,” pahayag ni Alejano.

Nagpahayag ng paghanga si Alejano sa tigasing tindig at aksyon ng Vietnam laban sa mga ginagawa ng China sa pinagtatalunang mga teritoryo.

“Vietnam has been vocal in condem­ning China’s militarization of the South China Sea… and while it has maintained good economic relations with China, it has not foregone its territo­rial claims in the South China Sea and compromised its sovereignty, a few things the Duterte administration should take note off,” pagdidiin ni Alejano.

Iginiit ng solon na dati ring Marine officer dapat magkaisa ang Pilipinas at iba pang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagtiyak na mailalatag ang pangunahing layunin ng  COC na magkaroon ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon na naaayon sa international law.

“The ASEAN should have a unified voice in negotiating the COC. This is crucial in ma­king sure that the COC will not be utilized by China to serve its unlawful actions. The COC must embody respect for internatio­nal law,” hirit ni Alejano. (Aries Cano)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy