Una sa Balita

Tigasin si What A Feeling

0 342

NANGIBABAW ang Kentucky-bred colt sa 2019 Philippine Racing Commission 3YO Imported/Local Challenge Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite nitong Linggo.

Kumana ng one-length victory si What A Feeling, na ang mga magulang na sina Flashback (sire) at Rougeole (dam) ay mga Kentucky, USA horses din, sa paggabay ni jockey Mark A. Alvarez sa 1,600-meter race na may total purse na P1,500,000 kung saan ang P900,000 ay para sa champion horse.

“Pinaremate ko lang ang kabayo ko. Split second lang po ang pag-iisip natin, sabi ko susugalan ko na lang ito, dahil sa isip ko, ‘yun ang ikapapanalo namin,” sabi ni Alvarez.

Sinilat ni What A Feeling si To It’s Si Bing sa huling 300 metro upang unang tumawid ng meta sa oras na 1:43.

Sinunggaban ni Refuse To Lose (owner Antonio F. Coyco, jockey OP Cortez) ang unahan pagbukas ng aparato, pero agad siyang binuliglig ni Mark of Excellence (Tecson, EP Nahilat). Nasa likod lang si What A Feeling nang humarurot sa huling 500 metro at hinawakan ang unahan, si To It’s Si Bing na lang ang pinakamalapit na kalaban.

“Ang plano, either na mauna or susunod kami, pero ‘yung hindi namin plano ang natupad. Nagkaroon ng matulin na ere, so pinaremate ko ang kabayo ko. Sinabayan ko lang si To It’s Si Bing, alam ko siya ang matinding kalaban, sinabayan lang po ng remate. Sabi ko, tignan ko kung hanggang saan. Bago siya magkalahating kabayo sa akin, inunahan ko na siya,” sambit pa ni Alvarez.

“Pero ito ang pinakamalaki naming panalo. Abangan niyo kami. Simula pa lang ito.”

Pumangalawa si To It’s Si Bing ni owner Bingson Tecson at sakay si jockey MM Gonzales para sa P337,500 runner up purse, habang si Will To Win ni owner Wally B. Manalo at sakay si jockey CP Henson ay pangatlo katumbas ang P187,500 premyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy