Una sa Balita

Tigang sa 5 rounds, Frayna nagwagi na

0 294

NAHANAP din ni Filipino Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ang unang panalo matapos kalusin si Mongolian Davaakhuu Munkhzul sa sixth round ng Eastern Asia Chess Championships FIDE Zone 3.3 Open sa Mongolia, Biyernes ng gabi.

Nakabangon si 22-year-old Frayna mula sa masakit na pagkakadapa nito sa lower-ranked na si Tumurbaatar Nomindalai sa round five.

Kasama ang Pinay woodpusher sa five-player na nakisiksik sa 18th place tangan ang tigatlong puntos.

Kailangan ni Frayna na manalo laban kay WGM Battsooj Amina ng Mongolia sa seventh round upang manatili ang tsansa sa asam na spot sa World Cup.

Ang kampanya ng mga Pinoy chesser sa nine-round Swiss system tournament ay suportado ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni chairman William “Butch” Ramirez at National Chess Federation of the Philippines.

Yumuko si Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza kay WGM Nguyen Thanh An ng Vietnam kaya nawala siya sa top 10 at sinamahan si Frayna sa grupo.

Sa men’s side, tumukod si GM John Paul Gomez kay IM Sumiya Bilguun ng host country kaya napako siya sa apat na puntos.

Nabigo din sina IMs John Marvin Miciano at Paulo Bersamina laban sa Mongolian bets second seed GM Tsegmed Batchuluun at GM Bazar Khatanbaatar ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy