Una sa Balita

Tigang na Piolo nakipag-sex sa Hawaii?

By
0 4,482

Next week ilo-launch sa entertainment press ng Megapro Plus Megasound si Piolo Pascual bilang new endorser nila. Noong huling press conference ni Piolo, hindi nakaligtas ang kanyang love life at sex life na rin sa natanong sa kanya, kaya next week, siguradong mauusisa na naman siya tungkol doon.

Same pa rin kaya ang magiging sagot ni Piolo na bukod sa no love life ay no sex life siya?

O, baka naman may update na since galing siya sa Honolulu, Hawaii kung saan ay nakasama siya sa ASAP Live in Honolulu ng TFC (The Filipino Channel), huh!

Malay natin, baka nagkaroon ng ‘something’ si Piolo sa island na ‘yon lalo na at maraming kababaihan ang naglaway sa napakaganda niyang abs sa tuwing naka-shirtless siya, ‘noh?!

Karaoke system nga pala ang bagong endorsement ni Piolo, kaya hindi ako magtataka kung lumabas ang pagka-singer niya sa press launch na ‘yon! 

Regine, Ogie pinagsasabong, ipit sa network war

Sa November 17 pa ang Bali, Indonesia wedding ni Christian Bautista at ng fiancé niyang si Kat Ramnani at hanggang September lang naman tatagal ang singing competition show ng GMA 7 na The Clash kung saan ay isa sa three judge ang una (kasama rin sina Lani Misalucha at Ai-Ai delas Alas), kaya may enough time pa naman si Christian na asikasuhin ang kanyang wedding after ng finals ng nasabing show.

Sa kuwento ng isa sa mga kinuhang ninang ni Christian, hindi kalakihan ang Bali wedding nina Christian at Kat, pero siguradong maganda raw ‘yon dahil pinagplanuhan talaga.

At para naman sa mga hindi kasama sa Bali, may Manila reception nga sila sa isang kilala at historical hotel at planado na rin daw ang tungkol doon.

Marami ang nagsasabing perfect match sina Christian at Kat at ang mga nakakakilala sa huli, nagsasabing sobrang bait ito!

Nakaka-inspire nga pala ang kuwento ni Kat dahil dati ay sobrang taba niya, pero nagawa niyang makapagpapayat!

Sa hitsura ngayon ni Kat, aba, hindi mo kababakasan na malaki rin siya noong araw.

Anyway, tungkol naman sa The Clash, marami ang nagsasabing maganda ang kombinasyon nina Christian, Lani at Ai-Ai bilang mga judge sa singing competition show na iho-host ni Regine Velasquez-Alcasid simula sa Saturday.

Speaking of The Clash, aabangan ng mga fan ni Regine kung mag-aabot nga ba sa ere ang nasabing singing competition show ng Asia’s Songbird at ang Your Face Sounds Familiar Kids kung saan ay judge naman ang mister niyang si Ogie Alcasid.

Parehong Saturday and Sunday ang dalawang show, pero magtapatan man ang dalawang show, ayaw namang magpaapekto ni Regine.

Trabaho nga lang naman ‘yon at hindi talaga maiiwasan na ang ganoon sa kanila ni Ogie dahil nasa magkaibang TV network sila, ‘noh?

Ang importante nga naman ay pareho silang may work at pagdating naman sa bahay, magkasama sila sa iisang kama, huh! 

Roselle may ‘K’ sa Rising Producer award

Sa Monday na ang 2nd EDDYS Awards Night ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) at Rising Producers Circle Award special awardee si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment at si Veronique del Rosario ng Viva Films.

Actually, napapanahon naman talaga para bigyan sila ng ganoong para­ngal dahil si Roselle naman ang heiress talaga ng production company ng nanay niyang si Mother Lily Monteverde at si Veronique ang future big boss ng movie outfit ni Boss Vic del Rosario!

Si Veronique, nakikita ko naman na masipag talaga, kaya may karapatan tala­gang maparangalan ng ganoon.

Si Roselle naman, nakatrabaho ko na, kaya alam ko kung gaano kasipag at pursigidong katulad ni Mother Lily ay maging isang very successful movie producer din, huh!

Actually, paggising pa lang ni Roselle, nakatutok na siya kaagad sa mga proyekto ng Regal Entertainment at noong nag-work nga ako sa kanila, aba, madalas, wala pang 6:00AM ay tumatawag na siya sa akin para i-discuss ang ilang mga proyekto nila.

Tutok na tutok din si Roselle sa lahat ng aspeto ng kanilang mga proyekto, lalo na sa social media, na siyang pinaka-in na paraan ng pagpo-promote ngayon, kaya bibilib ka talaga at masasabi mong another Mother Lily talaga siya sa local showbiz industry!

Anyway, nang makausap ko si Mo­ther Lily the other day, sobrang proud siya sa special award na ibibigay ng SPEEd kay Roselle, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More