Una sa Balita

Tickets sa Gilas-Japan nasa merkado

By
0 3,174

PUWEDE nang magpareserba ng tickets para sa susunod na laro ng Pilipinas at Japan sa Asian Qualifiers ng FIBA Basketball World Cup 2019, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Ihu-host ng Gilas Pilipinas ang Akatsuki Five sa February 25 sa MOA Arena.

Inilabas na ng SBP ang detalye ng ticket prices at availability ng mga ito sa website https://www.smtickets.com/events/view/6415.

Abante Hiring – IT dep

Tatangkaing iganti ng Akatsuki Five ang 77-71 talo sa Filipinos na dumayo sa Komazawa Gymnasium sa Tokyo noong November 24.

Target din ng Japan na pagandahin ang record matapos mabaon sa 0-2 sa first window ng qualifying.

Parehong nasa Group B ang Pilipinas at Japan, kasama ng Australia at Chinese Taipei.

Ang top three teams sa grupo pagkatapos ng tatlong windows ang aabante sa second round ng Asian Qualifiers. Ang top seven naman dito ayng bibiyahe sa FIBA Basketball World Cup 2019 sa China.(Vladi Eduarte)