Una sa Balita

Ticket sa UP-UST match ubos na

0 516

MARAMING netizens at UAAP fans ang umaalma matapos hindi makakuha agad ng mga ticket para sa stepladder semifinals sa pagitan ng UP Fighting Maroons at UST Growling Tigers sa darating na Linggo.

Mabilis na naubos ang tickets, parehas na side, na kinalungkot naman ng mga fan.

“So, i decided na manonood akong UST VS UP after ng boards pero sold out na tickets. Walaaaaa na,” tweet ng netizen na si @matttttttlrst.

Banat naman ni Jacq San Pedro (@tweetnijacq), “panawagan po- pabili ng UP vs UST tickets on Sunday. Sold out na online kahapon pa lang (nasan hustisya). Please let me know how and where to get tickets. Singilin nyo na ako ng doble or triple. #UAAP82 #UAAPtickets #UAAPbasketball #UPvsUST
@upmbt @upmaroonclub #AllforUP #UPFight.”

Wala ring mahagilap na ticke si @idontlahmahself. “Ok last try still looking­ for ust vs up tickets patron/lowerbox please willing to pay 3x the price hehe scalpers dm me pls i am begging #UAAPSeason82 #UAAP82CONEfessions #uaap #uaap82 #GoUSTe #TigerTakeover.”

Marami na rin ang mga fan na nananawagan sa social media para maglabas pa ng Standing Room Only (SRO) tickets sa laban sa Nobyembre 10.

Krusyal ang magiging tapatan ng dalawang koponan, tangan ng UP ang twice-to-beat advantage habang winakasan naman ng UST ang kampo ng FEU Tamaraws nitong Miyerkoles.

Alas-4 ng hapon, magtatagpo ang UP at UST na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy