Una sa Balita

Tibay ni Brownlee, titibagin ni Jones

0 291

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:30pm — NorthPort vs. Magnolia
7:0pm — Ginebra vs. TNT

Nasilat ang Ginebra sa Rain or Shine 104-81 noong Biyernes, kinabukasan ay itinumba ng TNT KaTropa ang San Miguel Beer 110-97.

Babangon ang Gin Kings sa pagkakadapa, itutuloy naman ng KaTropa sa tatlo ang winning streak kapag nagtagpo sa second game sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

Even 2-2 ang defending champion Ginebra sa PBA Commissioner’s Cup, 4-1 ang TNT kabuhol ang NorthPort sa likod ng front running Blackwater.

Sa first game ay tatangkain din ng Batang Pier na umakbay sa liderato laban sa 0-1 Magnolia.

Nitong Lunes ay inaprubahan ni Commissioner Willie Marcial ang three-team trade na nagdala kay Jericho Cruz sa NLEX mula TNT via NorthPort.

Pinakawalan ng KaTropa si Michael Miranda pero nakuha si Marion Magat.

Susubukan ni Terrence Jones ang tibay ni Justin Brownlee sa labanan ng parehong eksplosibong imports mamaya.

Puro monster games ang hu­ling limang laro ng dating NBA player na si Jones, pero hindi matatawaran ang kalibre ni Brownlee.

Pagkatapos ng pisikalang laro kontra Phoenix na nagresulta sa P70,000 multa noong Hunyo 2, bumalik si Jones para magpasabog ng 30 points, 18 rebounds at 5 blocked shots laban sa San Miguel.

Ipinagpag na ni Jones ang insidente kay Calvin Abueva. Binayagan ni Jones si Abueva, gumanti ang Fuel Masters forward ng ma­tinding clothesline sa TNT import. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy