Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tibay ng bahay malalaman sa Phivolcs app

0 51

Gusto mo bang matiyak na ligtas ang iyong bahay sa sandaling makaranas ng intensity 8 na lindol?

Puwede mo na itong malaman sa pamamagitan ng pag-download ng ‘How Safe Is My House?’ app na maaaring mag-check para sa earthquake safety ng mga konkretong kabahayan at mga gusali na may dalawang palapag, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum Jr., hindi sila gumastos para sa development ng app dahil ito ay na-develop ng kanilang in house staff. Gumastos lamang sila ng may P1,000 para sa one-time subscription sa Google PlayStore.

“It was developed by Phivolcs staff, but part of the app’s content was previously developed by experts from a collaborative project with various agencies,” ayon kay Solidum.

Kabilang din sa mga ahensiya na tumulong dito ay ang National Research Institute for Earth Science and Disaster Prevention (NIED), Japan International Cooperation Agency (JICA), Japan Science and Technology (JST), at ang Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP).

“The use of this self-check app will enable house occupants to be aware of their safety, and also educate them of the simple steps to consider to ensure the integrity of houses during strong earthquakes,” dagdag ni Solidum.

Ang malawakang paggamit ng app sa ay makakatulong sa mga disaster manager at awtoridad para magkaroon ng ideya sa posibleng impact ng lindol sa isang lugar.

May mga serye ng tanong ang kailangang sagutin ng user, tulad ng sino ang gumawa at nagdisenyo ng bahay, ilang taon na ito, at kung nagkaroon ba ng pinsala o damage ang gusali sa nakalipas na mga lindol.

Target din umano ng Phivolcs na makapaglunsad ng web version ng app ngayong taon. Nasa wikang Ingles ang app pero plano na rin umano na maisalin ito sa Filipino. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.