Una sa Balita

Thunderbird Manila Challenge sisiyapol

0 642

PANAHON na naman ng pagwawagi matapos ianunsiyo ng Thunderbird – ang number one gamefowl feeds & vetmed company,  ang pagdaraos ng 2019 Thunderbird Manila Challenge na kapapalooban ng mga regional qualifiers sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ang Thunderbird 6-Cock All Star Derby na nakatakda sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22.

Ang mga Regional 5-Bullstag/Cock Derby ay may entry fee na P11,000 at minimum bet na P6,600. Ang magkakampiyon, bilang karagdagan premyo ay tatanggap ng  P100,000 na halaga ng Thunderbird products (P50,000 feeds + P50,000 vetmed) + 1 TMX 125 cc motorbike. May isang mountain bike para sa handler at 1 dosenang tari (Ampy Tari Shop) para sa mananari.

Ang Luzon Regional Qualifiers ay magaganap sa Marso 22 Pangasi­nan – Pangasinan Coliseum (Region 1, Aurora, Nueva Ecija), Marso 26 Rizal- Texas Cockpit Arena (GMA, Rizal, Cavite), Marso 28 Isabela – Jaycee Clay Sports Arena  (Region 2 & Kalinga), Marso 29 Laguna – Fantastic Coliseum (Laguna, Quezon, Batangas), Abril 5  Pampanga – Bacolor Cockpit Arena (Pampanga, Bataan, Zambales, Bulacan) and Abril 6 Bicol – GPB Mayon,­ Tabaco City (Bicol Region)

Ang mga Visayas Regional Qualifiers ay mangyayari sa  Marso 29  Cebu – New Gallera de Mandaue (Cebu, Negros Oriental, Bohol), Abril 6  Leyte – Leyte Reacreational & Amusement Center, Palo, Leyte (Leyte & Samar) and Abril 10 Panay – Iloilo Coliseum (Panay & Negros)
Ang Mindanao Regional Qualifiers ay nakalinya sa Marso 30 Davao – New Gallera de Matina (Davao), Abril 13 Dapitan – Gallera de Dapitan (Caraga & Western­ Mindanao), Mayo 3 Cagayan de Oro – Igpit Cockpit Arena (Cagayan de Oro).

Ang Thunderbird Manila Challenge National Championship 6-Cock All-Star Invitational Deby sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22 ay magtatanghal ng matin­ding labanan sa pagitan ng Thunderbird national­ endor­sers, Regional Champions at kasama din si Engr. Taguibao ng Cagayan upang ipagtanggol ang kanyang korona.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy