Una sa Balita

Thunderbird Manila Challenge Final Regional Derby sa CDO

0 600

ANG pinaka-ultimong labanan para sa prestihiyosong 2019 Thunderbird Manila Challenge ay gaganapin sa unang araw ng Mayo sa Cagayan de Oro City, partikular sa sikat na Igpit Cockpit Arena, kung saan hindi kukulangin sa 40 kalahok ang inaasahang maglalaban upang magkampeon at mapabilang sa mga magtutuos sa 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22.

Ang 1st of May Regional 5-Bullstag/Cock Derby sa darating na Miyerkoles ay may entry fee na P11,000 at minimum bet na P6,600. Ang magkakampeon, bilang karagdagan sa cash prize ay tatanggap ng P100k halaga ng Thunderbird products (P50,000 feeds + P50,000 vet) + 1 TMX 125 cc motorbike. Ang handler ay magbubulsa ng cash prize plus 1 mountain bike, samantalang, ang  gaffer ay makakakuha ng 1 tari set mula sa Ampy tari shop.

Ang unang regional derby na ginanap noong Marso 22 sa Pangasinan Coliseum ay pinagsaluhan ng mga lahok na Master Gunner ni Marvin Gatchalian & Geoffe Buenviaje at ng MJ Ramzy ni Frank Cabiguen.

Ang labanan sa Texas Cockpit Arena sa Antipolo City noong ika-26 ng Marso para sa mga kalahok mula sa Metro Manila, Rizal, & Cavite, sina Don Eikel Ladores/ Edgardo Ladores  (EDSA) at Atty. Jing Galicia (Gf Lawis) ang nangibabaw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy