Una sa Balita

Thunderbird 6-Cock All-Star siyapol na

By
0 584

MATAPOS makumpleto ang lahat ng Regional 5-Bullstag/Cock Derbies sa buong bansa, nakahan­da na ang pinakahihintay na pagtatanghal ng 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22, kinikilala bilang pinakaprestihiyosong at pinakamahigpit na one-day event sa Philippine cockfighting sa taon ito.

Thunderbird–the winning formula, ang pangunahing gamefowl feeds at vetmed company sa Asya, ay patuloy na nagtatanghal ng taunang Thunderbird Challenge simula pa noong 2010 nang ganapin ang unang  Challenge sa Isla ng Boracay.

“Ang layunin ay mai-promote ang sabong at local na turismo”, pahayag ni AVP-Marketing Francis M. Martinez, sabay ng pagbanggit ng mga nakaraang Thunderbird Challenge derbies sa Boracay (2010), Palawan (2011), Dapitan (2012), Bohol (2013), Ilocos (2014), Davao (2015), Iloilo (2016) at Manila in 2018.

Handa na rin para bitawan ang kanilang mga signature bloodline ng mga tinale sina 2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby champion Engr. Sonny Lagon, muti-awarded Dicky Lim ng Palawan, Nestor Vendivil ng Nueva Ecija, 4-time World Slasher winner Tata Rey Briones ng Masbate, Gov. Eddiebong Plaza ng Agusan del Sur, back-to-back Slasher champ Frank Berin ng Isabela, BNTV Cup’s Joey Sy, Bakbakan champ Engr. Sonnie Magtibay ng Palawan, Ormoc Gold breeder Bernie Tacoy,  Boy Marzo ng La Union, Baham Mitra ng Palawan, Redbull Gamefarm’s Carlos Tumpalan, Bicolano Teng Rañola, Cong. Larry Wacnang ng Kalinga, Bebot Monsanto ng Cebu, atbp. 

Ang susubok naman sa tibay ng mga Thunderbird national endorser ay ang mga Regional champion na sina Don Eikel Ladores, Johnro Galicia, Vasquez Miguel, Dennis Sta. Maria, Edwin Guttierez, Jonathan Diaz, Marvin Gunner, Wiliam Mamba, Sammy Uy Team, Emmanuel Paras, Dianon Raymond at Winston Treyes kasama si Nene Araneta bilang guest participant.

Dahil sa 50 kumpirmadong kalahok, ang 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby ay magpaparada ng 150 kapana-panabik na sultada.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy