Una sa Balita

Thunder GM, coach itutumba sa Westbrook, George trade

0 277

NAKAKATANGGAP daw ng death threat sina Oklahoma City Thunder coach Billy Donovan at general manager Sam Presti pagkatapos i-trade sina Paul George at Russell Westbrook.

Nasa Los Angeles Clippers na si George, lumipat ng Houston Rockets­ si Westbrook para makipag-tandem kay James Harden na dati rin niyang teammate sa Thunder.

Iniimbestigahan na raw ng pulisya ang mga pagbabanta sa telepono.

“Y’all traded Paul George but kept Raymond Felton. You kept Andre Roberson.

Do y’all not love Russell Westbrook?” pahayag daw ng tumawag base sa transcript ng voice mail, ayon sa television stations OKOC 5 na naka-base sa Oklahoma City. “I hope he kill eve­rybody. I want to kill everybody.”
Nabanggit pa raw ng caller na wala siyang pakialam kung magsumbong sa pulisya ang team.

Bukod sa sasaktan daw lahat ang mga nagtatrabaho sa Thunder, sinabi ng tumawag na magpapasabog siya kapag nagawi ng Oklahoma City.

Nag-iwan ng pangalawang voice mail ang lalaki, inulit ang threats at si Presti at kanyang pamilya naman ang pinagbantaan. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy