Thumbs up ng Pinoy kay PDU30, isinangkalan ng palasyo

By

Umalma ang isang opisyal ng Malacañang sa naging pahayag ng US State Department na nakakabahala ang paglobo ng extrajudicial killings (EJKs) sa Pilipinas at dapat na imbestigahan ito ng mga awtoridad.

Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, naging patas sana si US Assistant Secretary of State for Southeast Asia Patrick Murphy sa pagbibigay ng pahayag­ sa media hinggil sa binabanggit nitong EJKs sa bansa.

“We expect fairness and not a rush to judgment. Right now the people appreciate the changes and the way these are carried out. We ask to be understood not just from a single perspective, but from the point of view of Filipinos who desire change, stability and fairness,” giit ni Abella.


SHARE