Una sa Balita

Threesome (3)

0 814

Dear Dra Holmes: (shortened Mar 4 letter)

Ako po ay may asawa..meron kaming kumpare..meron pong nangyayari sa amin alam din po ito ng asawa q..kasama po sya…nagkakaron po kami ng threesome..minsan po kapag ayaw qn or gusto qn itigil nagagalit xa at minsan pinagaawayan pa namin..kaya pumapayag nlng ako para hndi kami magaway..ano po kaya ang pwede kong gawin sa problema kong ito?
ELLA

Dear Ella:
Maraming salamat sa sulat mo na pinublish natin ng buo noong nakaraang Lunes, Marso 4. Sa huling kolum natin nu’ng nakaraang Miyerkoles, Mar 6, sinabi ko ang pagmamahal ay isa sa pinakamalaking bahagi ng iyong desisyon. Kadalasan, kahit na mahal ng isang babae ang kaniyang asawa, kung walang tigil na pinapagawa sa kaniya ang ayaw niyang gawin (para sa iyo, ito ay mag-threesome) nawawala ang kaniyang pagmamahal. Hindi mahirap intindihin kung bakit.

Ang martir lang siguro ang kayang magmahal sa isang asawang walang paki kung mahalaga ang isang bagay sa kaniya o hindi. Halimbawa, hindi importante sa lalake na ayaw ng misis niya mag-threesome. Wala siyang paki kung ipuwersa niya ang misis niyang ipagpatuloy ang ayaw niya. Ang martir lang siguro ang kayang pagpatuloy ang kaniyang pag-ibig para sa lalakeng ganito.

Ang ikalawang bahagi na maaaring makaapekto sa iyong desisyon ay kung kaya mong mahiwalay sa kaniya o hindi. Maraming mga mag-asawa ay nananatiling kasal dahil masyadong magastos kung maghiwalay sila.

Parang hindi nila matanto na puwede kayong maghiwalay kahit nasa isang bubong kayo. Eto ay tinatawag na paghihiwalay emosyonal. Maghiwalay—sa damdamin, sa pag dedepende sa isa’t isa, atbp—sa emosyon, kahit kayo ay nakatira sa isang bahay. Madaling magsabi ng “Ayoko na” kapag maghiwalay na kayo.

Mahabang proseso ito, dearest Ella, at inaasahan ko na mayroon kang sapat na pasensya, disiplina, at pagtatalaga (dedication) sa iyong layunin. Hindi mo makakamit ang gusto mo (tumigil sumang ayon sa lahat ng gusto niya) kung hindi matatag ang loob mo. So good luck, dearest Ella, at sana sulatan mo nanaman ako kung mayroon pa akong ibang maipaglilingkod sa iyo. Ingat—MG Holmes

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy