Una sa Balita

Threesome (2)

0 720

Dear Dra. Holmes: (shortened March 4 letter)

Ako po ay may asawa… meron kaming kumpare… meron pong nangyayari sa amin alam din po ito ng asawa q… kasama po sya… nagkakaron po kami ng threesome… minsan po kapag ayaw qn or gusto qn iti­gil nagagalit xa at minsan pinag-aawayan pa namin…kaya pumapa­yag n lng ako para hndi kami mag-away… ano po kaya ang pwede kong gawin sa problema kong ito? ELLA

Dear Ella:
Maraming salamat sa sulat mo na pinublish natin nang buo noong nakaraang Lunes, Marso 4. Doon, sinulat ko na isang kadalihanan (factor) at mahalaga sa iyong desisyon tungkol sa anong gagawin mo ay kung mahal mo siya o hindi. Isa pa rin ay kung sinasaktan ka niya o hindi, pero ok ba kung hindi ko muna ‘yun talakayin hanggang alam ko na iyon ang situwasyon mo tungkol rito? Iba kasi ang pupuntahan ng sagot ko kung sinasaktan ka niya, at inaasa­han ko na ang iyong pagsulat na ‘pinag-aawayan pa namin” ay ibig saihin hindi ka takot mag-away sa kaniya.

Kung hindi mo na siya mahal, no contest. Ok lang para sa iyo tanggihan siya kasi wala ka ng paki sa kaniyang damdamin. Pero kung mahal mo pa rin siya, may problema.

Sana matanto niya na magbabago ang iyong pagmamahal para sa kaniya kung magpa­tuloy ang kaniyang pagpilit na mag-threesome. Sana alam niya na hindi maaaring mananatiling pagmamahal ang damdamin mo para sa kaniya kung lagi ka niyang pinepuwersang gawin ang ayaw mo. Dahil papaano mo maaaring ipagpatuloy ang iyong pagmamahal para sa isang taong walang interes kung gusto mo ang isang bagay o hindi? Papaano kng manatiling umibig sa isang taong walang respeto sa iyong gusto at hindi gusto? Final installment in friday
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy