Una sa Balita

Threesome (1)

0 1,618

Dear Dra Holmes:

Ako po ay may asawa..dalawa po ang aming anak.. meron kaming kumpare..meron pong nangyayari sa amin alam din po ito ng asawa q.. kasama po sya… nagkakaron po kami ng threesome na tinatawag..minsan po kapag ayaw qn or gusto qn itigil nagagalit xa at minsan pinagaawayan pa namin..kaya pumapayag nlng ako para hndi kami magaway..ano po kaya ang pwede kong gawin sa problema kong ito??salamat po sa pagsagot.. ELLA

Dear Ella:
Maramng salamat sa sulat mo. Malaki ang problema mo at inaasahan ko na matutulungan kita. Ang dahilan na medyo nag-aalangan ako ay dahil hindi ko alam kung mahal mo pa ang asawa mo o hindi. Kahit na ang kaniyang pagpuwersa sa iyo na gawin mo ang ayaw mong gawin ay nakabawas ng anong pag-ibig mayroon ka sa kaniya, maaaring mahal mo pa rin siya kaya (sa aking opinyon) at ‘yan ay maaaring malaking tulak—pinakamalaking tulak?—sa iyong desisyon.

Kung hindi mo sa siya mahal kasi, kung mag-away kayo, “de magaway kami, bahala siya” ang masasabi mo sa sarili mo.

Kung hindi mo na siya mahal, kapag hindi ka niya kausapin ng isa o dalawang araw—kahit isa o dalawang linggo, ok na ok lang. Baka matuwa ka pa, diba, Ella, at sabihin mo pa sa sarili mo: “Hay, Salamat, tahimik na ang buhay ko.” Kung hindi mo na siya mahal, kapag tumaas ang boses niya at medyo galit: “Puwede ba?!!? Sinabi ko na sa iyo na ayoko, at ayoko na talaga!” at bale wala sa iyo na nagsigawan kayo.

Kaya lang, nakakapod nga (at nakaka disappoint) kung ganyan ang kaniyang reaksyon. TO BE CONTINUED

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr. Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy