Una sa Balita

Thompson, Warriors ‘di pwedeng pumikit

By
0 1,721

Kabisado ng Golden State Warriors ang likaw ng bituka ni LeBron James at ng Cleveland Cavaliers.

Alam ng team ni Steve Kerr na mahabang giyera pa ang susuungin kahit lamang, 2-0, sa NBA Finals pagkatapos ng 122-103 Game 2 win noong Linggo. Hindi puwedeng pumikit.

“We’re extremely focused,” giit ni Golden State guard Klay Thompson. “There’s nothing to be ­happy about being up 2-0.”

Noong 2016, inari din ng Warriors ang first two games sa Finals laban sa Cleveland, pero naka­bawi ang Cavs para nakawin ang titulo sa pitong laro. Nag-celebrate pa si LeBron sa home floor ng ­Warriors sa Oracle Arena.

Inulit ito ng Cavaliers sa Eastern Conference finals, umahon din mula 2-0 series deficit para ­sipain ang Boston.

Games 3 at 4 sa Quicken Loans Arena umpisa Miyerkoles sa Cleveland (Huwebes sa Manila). Undefeated ang Cavs sa walong laro sa sariling teritor­yo ngayong playoffs.

Alam ng Warriors ang kalibre ng Cavaliers lalo ni James, anumang oras ay puwedeng pumutok.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More