Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Thompson sa hiwalayan kay Pau: Ako may mali!

0 123

NAGSALITA na si Philippine Basketball Association star Earl Scottie Thompson sa break-up sa kanyang dyowa na si Pau.

Sa social media post Linggo ng Barangay Ginebra San Miguel player, inamin niyang lampas dalawang buwan na silang hiwalay ng kanyang girlfriend, patunay ang pagbura nila sa kanilang mga larawan sa social media.

Ayon kay Thompson, nagsalita siya para matapos na ang patama ng mga basher sa kanilang relasyon.

“Ako reason ng hiwalayan namin, ako ang may mali ng lahat,” giit ng 27-year-old, 6-foot-1 guard ng Gin Kings.

“Lalaki kong tatanggapin ang lahat ng ibabato ninyo sakin,” banat pa ni Thompson sa mga basher.

Umugong ang balita ng paghihiwalay nina Scottie at Pau matapos mabura ang kanilang mga photo na magkasama sa Instagram.

Enero ngayong taon nang mag-engage ang dalawa, sakto sa Bagong Taon. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.