Una sa Balita

Thompson panalag ng GSW sa nagbakasyong si Curry

By
0 2,002

Posibleng hindi na nga maglaro sa first round ng playoffs si Stephen Curry, pero mukhang ready naman na sa postseason ang kanyang Splash Brother na si Klay Thompson.

Ibinaon ni Thompson ang 22 sa kanyang 34 points sa first quarter at nilunod ng Golden State ang Phoenix, 117-100 Linggo ng gabi.

Sa pang-15 sunod ay tinalo ng Warriors ang Suns, at sa pangwalong pagkakataon ay umiskor si Thompson ng 20 o higit pa sa isang quarter.

Nilista ni Thompson ang 19 consecutive points ng Warriors sa first, 9-of-11 sa field at 4-for-6 sa 3-pointers.

“It was good to get into a good rhythm, especially with a game left in the season,” ani Thompson, ilang araw pa lang nakakabalik sa lineup ni Steve Kerr mula right thumb fracture.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 17 points, pero hindi umiskor hanggang ibaon ang isa sa dalawang free throw, 6 1/2 minutes pa sa first half. Namigay rin siya ng nine assists.

Sinabayan ng panalo ng Memphis sa Detroit, sa 20-61 ay hawak na ng Phoenix ang worst record sa NBA at pinakamara­ming ping pong balls sa May 15 draft lottery.

May career-high 22 points si Danuel House para sa Suns.

Selyado na ng Warriors ang No. 2 playoff spot sa Western Confe­rence, wala si Curry (left MCL sprain) pero may tatlo pa silang All-Stars kina Thompson, Durant at Draymond Green. Kontra Phoenix, wala din sa Golden State sina Andre Iguodala (left knee soreness) at Patrick McCaw (lumbar spine contusion).

Lamang lang sa 33-29 ang Warriors pagkatapos ng first quarter, pero lumayo ng hanggang 18 sa second at 64-50 sa break. Hindi na nakarekober ang Suns.