Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Thompson mas takot kay Richard

0 80

Mga Laro sa Hulyo 6:

(Smart Araneta Coliseum)

3:00pm – Rain or Shine vs Meralco

6:00pm – Terrafirma vs Ginebra

HINDI namalahibo ang Ginebra sa unang salang ni coach Richard del Rosario bilang interim head mentor habang nasa US si Tim Cone kasama sa coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League.

Bumomba si Scottie Thompson ng 24 points, 6 rebounds, 6 assists at zero turnover sa 105-89 win kontra Converge nitong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum. Sa 5-1 card, inakbayan ng Gins ang San Miguel Beer sa tuktok ng PBA Philippine Cup.

Bumakas ng double-double sina Japeth Aguilar (20 points, 11 rebounds) at Christian Standhardinger (13-13). Naglaro din ang galing injuries na sina Stanley Pringle at Jared Dillinger. Pigil sa 17 minutes si Pringle pero nagsumite ng 11 markers.

Sa tagal ng pagsasama sa bench, pati sigaw ni Cone ay plakado ni del Rosario.

“Mas matapang nga si coach Richard kasi Tagalog, eh,” biro ni Thompson. “Si coach medyo ‘di masakit kasi ‘di ko naintindihan.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.