Una sa Balita

Thompson, Lassiter, Sangalang isasahog ni Guiao sa Gilas Pilipinas

0 547

TAPOS na ang 18th Asian Games. Pokus na ngayon si Yeng Guiao sa sunod na window ng FIBA Asia Qualifiers.

Sampu sa mga mi­yembro ng Gilas Pilipinas ang suspendido ng FIBA dahil sa pakiki­pagbugbugan sa Australia Boomers noong Hulyo 2.

Si Fil-Am Jordan Clarkson, malabo na dahil magbubukas na ang training camp ng paparating na NBA season.

“We want a good program for the natio­nal team para hindi tayo lagi nagmamadali sa pagbubuo at pagpili sa mga player para sa mga international tournament na tulad nito,” sabi ni Guiao. “Hindi din nasasayang ang effort ng ating mga player saka coaches para i-re­present ang bansa natin.”

Ilan sa mga bagong napipisil ni Guaio para mapabilang sa Natio­nals ang Ginebra star na si Scottie Thompson, ang spitfire ng San Miguel na si Marcio Lassiter at ang big man ng Magnolia na si Ian Sangalang.

Si Scottie, handa anumang oras. “Iba ‘yung pakiramdam na makasama dun (National team), and mag-represent ng Pilipinas.”

Bukod sa tatlo, nasa radar din ni Guiao sina Gabe Norwood, Beau Belga, Raymond Almazan, Stanley Pringle, Christian Standhardinger, Asi Taulava, Poy Erram, Paul Lee, Alex Cabagnot, Allein Maliksi at Mathhew Wright.

Haharapin ng Pilipinas ang Iran sa Tehran sa Setyembre 13, bago i-host ang Qatar sa closed-door game sa Araneta Coliseum sa Setyembre 17.