Una sa Balita

Thompson, Knightley, Hardy, Ishiguro pararangalan ni Queen Elizabeth II

By
0 1,445

Ginawaran ng mga titulo in the name of Britain’s monarch ng Britain’s Cabinet Office ang mga Hollywood/British star na sina Emma Thompson, Keira Knightley at Tom Hardy. Gayundin ang Nobel Prize-winning author Kazuo Ishiguro.

Ang ginawad na mga titulo sa mga ito ay dahil sa dinala nilang honour for merit, service and bravery­. Kasama na rin ang academic at charity position.

Mismong ang Her Majesty The Queen Elizabeth II ang siyang magbibigay nito sa isang investiture na magaganap sa Buckingham Palace.

Abante Hiring – IT dep

Bibigyan ng titulong Dame ang 59-year-old film actress na si Emma Thompson. Ito ay high honour na female equivalent ng pagiging isang knight. The citation calls her one of Britain’s ‘most versatile and celebrated actresses’.

Nanalo ng Academy Award for Best Actress si Emma noong 1993 for the film Howard’s End. Nanalo din siya ng Oscar ng best adapted screenplay award for Sense and Sensibility in 1995. Mga unforgettable role ni Emma ay mula sa mga pelikulang The Remains of the Day, Love Actually, In The Name of the Father, Saving Mr. Banks, Junior, Angels In America, Primary Colors, Much Ado About Nothing, A Song of Lunch, Nanny McPhee and Wit.

Tatanggap naman ng OBE or Order of the British Empire award si Keira Knightley na nakilala sa mga pelikulang Pride & Prejudice, Atonement, Bend It Like Beckham, Begin Again, Anna Ka­renina, The Imitation Game, King Arthur and Pirates of the Caribbean.

CBE or Commander of the British Empire award naman ang igagawad kay Tom Hardy na lumabas sa mga pelikulang The Revenant, Inception, Legend, Mad Max: Fury Road, Warrior­, Black Hawk Down, Tinker Tailor Soldier Spy at sa upcoming Marvel film na Venom.

Binigyan din ng OBE si Kazuo Ishiguro na isang award-winning novelist, screenplay writer at short story writer.

Kabilang sa mga gawa niya ay An Artist of the Floating World, The Remains of the Day, When We Were Orphans and Never Let Me Go.