Una sa Balita

Thompson kinarga ang Motolite

0 270

PANGMATAGALAN!

KINARGA ng import na si Channon Thompson ang Motolite sa ikatlo nitong panalo sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Reinforced Conference sa bisa ng 23-25, 23-25, 25-14, 25-14, 15-12 panalo sa BaliPure Sabado sa The Arena sa San Juan.

Humambalos ng 27 points si Thompson, sa likod ng 22 attacks, tatlong blocks at dalawang aces, habang umalalay naman si Krystle Esdelle na may 24 points, mula sa 20 attacks at dalawang aces.

Paramdam din sa laro ang ilang lokal na manlalaro gaya nina Isa Molde at Aie Ganabban na tumapos ng tig-pitong puntos habang may apat na puntos naman si Myla Pablo.

“I’m happy we pull it together [in] sets 3 and 4 and 5, I think that’s kinda like when our team arrive and kinda woke up and we got serious about the game. And we started playing with our heads,” sabi ni coach Air Padda.

“I’m proud of them, this is a good one for us. Anytime you coming back two sets to zero is like, some serious perseverance is going there.”
Mabagal ang simula ng Motolite kaya nagawang manggulat ng Purest Water Defenders at hambalusin ang unang dalawang sets bago nabuhay at dominahin ang third at fourth set.

Sa fifth set ay naging gitgitan ang laban ng dalawa na kapwa ayaw bumitaw hanggang sa umariba ang Motolite at itarak ang 14-12 na bentahe sa down the line attack ni Esdelle at sungkitin ang panalo sa attack error ni Grace Bombita.

Nanguna para sa BaliPure ang import nito na si Djanel Dzokovic na may 18 points. (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy