Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Thompson, Ginebra tutuhugin Converge

0 178

Mga Laro Ngayon: (Araneta Coliseum)
3:00pm – TNT vs Terrafirma
6:00pm – Ginebra vs Converge

HABANG wala si coach Tim Cone, ang deputy niyang si Richard del Rosario muna ang magtitimon sa Ginebra umpisa ngayon kontra Converge sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa US si Cone, kasama sa assistant coaches ng Miami Heat team sa NBA Summer League.

Sa ilalim ni del Rosario, susundutan nina Japeth Aguilar, Christian Standhardinger, LA Tenorio at Scottie Thompson ang 75-72 win ng Gins sa San Miguel Beer noong Biyernes.

Ang FiberXers (2-4) ang nakatikim ng resbak ng Beermen 111-92 noong Linggo.

Tiwala si Cone na nasa mabuting kamay ang Ginebra (4-1), No. 2 sa Philippine Cup sa likod ng SMB (5-1).

“We have a system in place, Richard believes that as much as I do,” anang winningest coach ng PBA. “Because I’m not there, I think they’ll loosen up a little bit and play at a higher level.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.