Una sa Balita

Thompson ‘durog’ sa pagpanaw ni coach Aric

0 448

‘DI maitago ni Ginebra guard Scottie Thompson ang pagiging emosyunal matapos yumao ang kanyang dating coach na si Aric del Rosario.

Sa Instagram post ni Ginebra star Thompson ay ramdam ang lungkot at makikitang mangiyak-ngiyak itong nagbigay ng mensahe para sa naging coach nito sa Perpetual na tinuring na rin niyang tatay.

“Isa sa pinaka malungkot at nakakagulat na balita na natanggap ko buong buhay ko! TATAY, PAPA , DADDY , LOLO , COACH AT MENTOR ARIC. Maraming maraming salamat sa lahat ng tinuro mo sakin sa lahat ng ginawa mo sa buhay ko,” saad ni Scottie.

Dagdag pa ni Scottie, si coach Aric ang isa sa naging susi kung bakit siya naging successful basketball player.

“Ikaw isa sa dahilan kung saan ako ngayon at kung anong meron ako ngayon, hindi lang pala isa sa naging dahilan kundi ikaw naging dahilan! Hanggang sa PBA dala dala ko padin ang laging mong sinasabi mo samin. Magsipag ka lang, maglaro ng maayos magpakabait at laging madasalin may papupuntahan ka bata at higit sa lahat tanggapin anong meron ka ngayon. Kung gusto mo ng higit? Pagtrabahuan mo! Dahil sa mga linyang yan andito ako ngayon,” hugot pa nito.

Magugunitang kasama ng 26-anyos cager si coach Aric sa Perpetual noong collegiate season niya sa NCAA bago umakyat patungong PBA. (Aivan Episcope)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More