Una sa Balita

Thirdy tinapik sa PH pool

By
0 570

TINAWAG si Ateneo star Thirdy Ravena para sumama sa pool ng Team Pilipinas, pero hindi pa sigurado hanggang kagabi kung sumipot ang utol ni Kiefer sa Thursday practice ng Nationals.

“Hindi namin siguradong makakarating bukas si Thirdy,” pahayag ni coach Yeng Guiao pagkatapos ng 85-80 loss ng NLEX sa TNT Miyerkoles ng gabi. “Siya ‘yung 15th man kaya 14 yan.”

Wala pa si Andray Blatche, si Christian Standhardinger ang back-up naturalized ni Guiao. May injuries sina Raymond Almazan (ankle) at Troy Rosario (broken nose), nasa pool sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Poy Erram, Gabe Norwood, Jayson Castro, Paul Lee, Mark Barroca, Marcio Lassiter, Scottie Thompson at Roger Pogoy.

“We did not release his (Thirdy) name right away because we had to go through the process of asking permission first from Ateneo and from coach Tab (Baldwin).”

Bago ang practice kagabi, wala pang abiso kung pinayagan si Thirdy.

Kinausap din kahapon ni Guiao sina Almazan at Rosario para malaman ang lagay nila.

“We might need our trainer to consult with their doctors so that the trainer can also give me an opinion,” paliwanag ng coach.

Ang problema raw ay kailangan nilang makasama sa regular practice ng dalawang linggo bago ang final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy