Una sa Balita

Thirdy Ravena talagang ‘halimaw’!

0 585

Kahit pala hindi nag-champion ang UP Maroon sa UAAP Men’s Basketball, makakatanggap pa rin ito ng regalo mula kay Senador Manny Pacquiao.

Nag-pramis kasi ang Senador na kapag nakuha ng team ang kampeonato ay dadal­hin niya ang buong team sa USA at papanuorin ng kanyang laban.

“Fan si Sen. Pacquiao ng UP Maroon. Mas gusto niyang bigyan ng encouragement ang underdog kumbaga,” sey ng isang aide ng Senador na nagbalita ding nauna nang mamigay ng kaukulang “bonus” sa kanyang mga empleyado ang butihing Senador.

Well, knowing naman nating santambak din ang mga generous patrons and sponsors ng Ateneo Blue Eagles. Bilang nag-back-to-back champions sila, sisiw lang sa kanila ang makapag-travel abroad as bonus.

***

Gaya ng ibang obserbasyon, tatawagin din naming “halimaw” ang anak-anakan na­ming si Thirdy Ra­vena, ang napiling Besat Player of the series ng Ateneo-UP battle.

Grabe naman kasi ang tatag, tapang at husay na ipinakita ng bagets na agad nagbigay pugay sa kanyang amang si Bong Ravena at nanay na si Mozzy bilang kanya daw pinagmanahan.

Ini-acknowledge din niya ang “manong” niyang si Kieffer bilang inspirasyon at nagturo talaga ng basketball sa kanya.

So totoo nga ang kasabihan na mas lu­malabas pang maga­ling ang estudyante kesa sa teacher for as long as matiyaga at masipag itong matuto ‘di ba manong Kief?

Teka lang, gaano katotoo ang tsismis na nag-play cupid na naman itong si Vice Ganda kay Thirdy ng agad-agad umano itong nag-set ng “date” para ipakilala daw sa magaling na collegiate player ang ilang mga female friend niya from showbiz?

***

Sayang na hindi kami matutuloy sa Lamitan, Basilan nga­yong Dec. 11 para sa opening ng MPBL team na Basilan.

We were supposed to go and bring some artists, pero merong hindi natapos na mga usapan kaya baka sa susunod na outing na lang daw.

Balita pa namang bongga ang bagong tayong Coliseum sa sinasabing “magulong” lugar na nauso ang mga kidnapan at giyera, pero lahat ng ito ay hindi na daw nag-eexist sa ngayon.

Ganyan ang epekto ng basketball sa natu­rang lugar na napag-iisa nito ang katahimikan at kasiyahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy