Una sa Balita

Thirdy namudmod ng jersey

0 330

HINDI rin nagpahuli sa pagtulong ang three-time UAAP men’s basketball champion na si Thirdy Ravena sa mga nasalanta ng malawakang ashfall dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas nitong Linggo.

Ito’y matapos makita sa kanyang Instagram story ang mga damit at jersey na ipamimigay nito na sa mga mga taong nasalanta ng kalamidad.

“It aint much, but let’s all try and help our kababayans who were affected by #TaalEruption2020 your help will definitely go a long way,” saad ng three-time UAAP Finals MVP sa kanyang IG.

Si Thirdy ay kasalukuyang nasa koponang Mighty Sports at nakatakdang lumaban sa 2020 Dubai International Basketball Tournament.

Umiwas muna ito sa pagpapa-draft sa PBA upang mahasa pa ang kanyang talento. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More