Una sa Balita

Thirdy mas magaling kay Kiefer

0 647

Nagmistulang Pinoy coliseum ang venue sa Doha Qatar kung saan ginanap ang 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers dahil literal na dinagsa ito ng mga Pinoy fan para suportahan ang Team Pilipinas.

Hindi naman sila na­bigo dahil inspiradong-inspirado ang ating mga manlalaro lalo pa’t halos doble ng final score ang nakuhang score ng kalaban nilang Qatar team.

At kahit pa napalabas si Coach Yeng Guiao out of the playing court matapos nitong ipagtanggol sa mga referee si Thirdy Ravena sa tinamo nitong injury dala ng maangas at naging pisikal na laro ng kalaban, hindi nawala ang tikas ng mga player niya lalo na ‘yung mga Pinoy fans.

Sunod na kakahara­pin ng Team Pilipinas ang Team Kazakhstan, bukas, Linggo, na siyang huling tiket natin para makapaglaro tayo sa 2019 FIBA World Cup sa China ngayong darating na Agosto 15 hanggang Setyembre 15.

Bukod kay Thirdy Ravena (na replacement ni Raymond Almazan), ang mga players ni Coach Guiao na tunay namang nagpakita ng tapang at gilas ay sina naturalized center Andray Blatche, five-time PBA MVP June Mar Fajardo, Poy Erram, Troy Rosario, Japeth Aguilar, Paul Lee, Mark Barroca, Gabe Norwood, Marcio Lassiter, Scottie Thompson at Jayson Castro.

Sana nga at matalo at dapat na matalo natin ang Kazakhstan.

***

“Of course I’m so proud of him. He deserves it,” ang simpleng reaksyon sa amin ni Kiefer­ Ravena sa pagkakapasok ng nakababatang kapatid na si Thirdy sa Team Pilipinas kahit replacement lang ito.

“Kahit sino’ng player ay pangarap iyan at gugustuhin na mag-represent ng bansa natin. I know he is prepared and ready. Mas magaling nga siya sa akin,” segue pa ni Kiefer na patuloy pa rin sa kanyang mga gawain hanggang sa matapos nga itong kanyang suspensiyon ngayong August o September at muling makabalik sa professional league.

Wala naman daw nabago sa mga gawain niya dahil very fit at active siya. On their spare time, kasama ang kanyang GF na si Alyssa Valdez, pinagkaka-abalahan daw nila ang mga negosyo nila pati na ang paglalaro ng golf.

***

Nakakaloka din talaga ang lakas ng karisma at hatak sa tao ni Miss Universe Catriona Gray.

Aba’y kahit ang mga basketball player and teams na dapat ay abala sa kanilang mga training at practices ay sandaling tumigil at huminto, para lamang masilayan ang naging parada nito noong Thursday.

Merong mga teams mula sa iba’t ibang liga (PBA, D League, MPBL etc.) na regular na nagpa-practice sa kanilang mga gym na dinaanan ng parada na talaga daw huminto at nakigulo sa dagsa ng mga tao sa Miss Universe parade.

Pero mas curious kami sa tsikang nag-try out umano ang ex-BF ni Catriona na si Clint Bondad sa isang basketball league dahil nais daw nitong mag-iba ng career matapos kumalat ang tsikang break na sila ng Miss Universe queen.

Ang siste nga lang, parang sa isang practice team lang daw ito nakuha dahil hindi daw yata pumasa ang basketball skill nito sa mga pinag-try out-an­ na teams?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy