Una sa Balita

Thirdy, Jack, Pat kikilalanin ng PSA

0 395

KIKINANG ang tatlong ­indibidwal mula sa UAAP sa nakatakdang SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel sa darating na Marso 6.

Bibigyan ng Special Awards sina Jack Danielle Animam at ang kanyang coach sa National University na si Patrick Henry Aquino kasama si Ateneo stalwart Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III sa nalalapit na event.

Hihirangin si Ravena bilang Mr. Basketball habang sina Animam at Aquino ang unang awardees para sa Ms. Basketball at Coach of the Year.

Ang nasabing awards night ay ipiprisinta ng Philippine Sports ­Commission sa pamumuno ni Chairman William “Butch” Ramirez, MILO, Cignal TV, Philippine ­Basketball Association, Rain or Shine at AirAsia.

Nagsanib puwersa sina ­Animam at Aquino para akbayan ang ­undefeated National University Lady Bulldogs sa tagumpay, humaba ang kanilang pamamayagpag sa UAAP women’s basketball.

Pinangunahan naman ni ­Aquino ang Gilas Pilipinas ­women’s 5-on-5 at 3×3 teams sa pagsilo ng medalyang ginto sa 30th Southeast Asian Games PH 2019. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More