Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Thirdy, Gilas pupukpukin

0 169

KAILANGAN nang mag-ensayo ang Gilas Pilipinas dahil malapit nang bumalik sa laban.

Sasalang ang Gilas Pilipinas sa second window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Tulad sa NBA, may bubble din ang FIBA at hindi pa ina-anunsyo kung saan.

Kaya naman hihingi ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng clearance sa Joint Administrative Order (JAO) group for sports na Games and Amusement Board (GAB), Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DoH) para makapag-ensayo.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa professional sports, tinitingnan ng JAO Group na bigyan ng exemption ang national team athletes sa kanilang training sa Olympics o sa qualifiers.

Isa pang magiging problema ng Gilas ay ang kanilang mga player dahil kapag matuloy ang PBA bubble ay hindi makakasali ang pro players sa lineup ng Gilas.

Kaya posibleng bumuo ang Gilas Pilipinas ng non-pro squad sa pangunguna ni Thirdy Ravena.

Nakatakdang harapin ng Pilipinas ang South Korea sa Nobyembre 27 kasunod ang Thailand sa Nobyembre 30. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.