Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Thirdy cover sa magazine

0 206

UNANG pagkakataon na maitatampok si Ferdinand “Thirdy” Ravena bilang Pilipinong basketball player na mailagay sa cover ng volume 13 ng Japanese magazine na Dabudori.

Ang magazine, na nakasulat na buo sa Japanese, ay nakalagay sa pabalat ang ipinagmamalaki ang bandila ng Pilipinas na inirererepsenta ng Asian import ng San-En NeoPhoenix na si Ravena.

Makikita sa cover ng magazine na may pulang background si Ravena sa isang dunking pose, suot ang kanyang game face habang nakatali ang bandila ng bansa sa kanyang leeg na parang kapa. ,

Ilalabas ang isyu ng magazine sa Japan sa Pebrero 16, tampok ang eksklusibong panayam sa dating Ateneo star, na kinikilala ang kanyang kontribusyon sa basketball sa Pilipinas bilang isang trailblazer. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.