Una sa Balita

Thirdy, Cignal Ateneo kampeon sa D-League

0 314

HINDI na nagpatumpik-tumpik pa ang Cignal-Ateneo, sinagasaan ang CEU 98-66 sa Game 4 ng finals para dagitin ang korona ng 2019 D-League Martes nang hapon sa Ynares Sports Arena.

Nagtulungan sina Ivorian big man Ange Kouame, Will Navarro at Thirdy Ravena para ihatid ang Blue Eagles sa unang kampeonato sa developmental league ng PBA.

Tumapos si Kouame ng 18 points, 16 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks, nagdadag si Navarro ng 16 points, at may 15 points, 4 rebounds, 4 steals at 2 assists si Ravena.

May ayuda pang 7 points, 7 rebounds si conference MVP Isaac Go para sa Eagles.

Nilista ni Navarro ang 13 points niya sa first quarter nang agarang umalagwa ang Ateneo 27-5, bago tinapos ang first 10 minutes ng laro na malayo na sa 38-10.

Hindi doon natapos ang atake ng mga taga-Katipunan, dumistansiya ng hanggang 79-42 sa and-1 play ni Gian Mamuyac sa dulo ng third.

Pinangunahan ng 20 points, 4 rebounds at 3 steals ni Rich Guinitaran ang Scorpions, nakarating sa finals kahit pito lang ang naiwan sa lineup. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy