Una sa Balita

Thirdy, Ateneo pinulbos ang USTe

0 393

TUWING magtatangkang ­mag-rally ang UST, laging ­nakaharang si Thirdy Ravena.

Nagpasabog ng 32 ­puntos ang back-to-back Finals MVP na si Ravena, may ­palamuti pang limang rebounds at ­tatlong assists sa loob lang ng tatlong period para pamunuan ang three-peat seeking Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles sa 91-77 Game 1 victory kontra UST Growling Tigers kagabi sa UAAP ­Season 82 best-of-three finals sa ­Araneta Coliseum.

Isang panalo na lang ay magkakampeon na ulit ang Ateneo at makukuha ang 16-0 marka, na una sa kasaysayan ng liga.

Ratsada agad ng 18-4 bomba ang Ateneo sa simula ng laro sa pamumuno ni Ravena, ilang ­beses nagtakang lumapit ang UST pero lagi itong pinipigilan ng 6-foot-2 swing man.

Tumulong si Ivorian center Angelo Kouame ng 18 markers at 12 boards para makuha ng Ateneo ang 1-0 advantage.

Pagkatapos ng halftime ay inangking ni Thirdy ang ­ikatlong yugto matapos ­gumawa ng 12 points na nagbigay ng ­largest lead na 23 points sa iskor na 66-43.

“It’s good to get the win. But we tend not to really see that as a win,” pahayag ng Ateneo head coach Tab Baldwin sa post-game interview.

Namuno sa Growling Tigers si Mark Nonoy na gumawa ng career-high 26 markers kasama pa ang limang carom.

Pipilitin nina Nonoy at UST na makahirit ng ­rubbermatch sa Game 2 sa darating na ­Miyerkoles alas-kuwatro nang hapon sa Mall of Asia Arena. ­(Aivan ­Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy