Una sa Balita

Thibodeau sibak matapos manalo sa L.A. Lakers

By
0 460

ULO ni coach Tom Thibodeau ang naging kapalit ng tambakang panalo ng Minnesota Timberwolves sa LeBron James-less Los Angeles Lakers Linggo ng gabi.

Nagsalansan si Karl-Anthony Towns ng 28 points at 18 rebounds, nilista ni Andrew Wiggins ang 25 sa kanyang 28 points sa first half, at dinomina ng Timber­wolves ang Lakers mula opening tipoff tungo sa 108-86 panalo.

Kinamada lahat ni Jeff Teague ang 15 points niya sa first half at may 11 assists pa para sa Minnesota.

Isang oras matapos kompletuhin ng Wolves ang fourth-largest margin ng panalo ngayong season, sinibak si Thibs.

Angat ang Minnesota­ (19-21) sa 11th place ng Western Conference, dalawang laro sa likod ng eighth-place Lakers (21-19).

“Every game now counts,” giit ni Wiggins. “You never know what position you’re going to be in at the end so every day you have to play like you’re fighting for your life.”
Attachments area