Una sa Balita

#TheCureEndOfTragedy puno ng lungkot, tuwa, kilig

By
0 773

Magkahalong tuwa, lungkot ang naramdaman ng mga tagahanga nina Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, dahil sa pagtatapos ng ‘The Cure’ sa GMA 7.

Tuwa dahil super-trending ang last episode nila na may pa-hashtag na #TheCureEndOfTra­gedy. Sa last episode nga nahanap ang gamot sa nakakatakot na virus.

Lungkot dahil hindi na nga nila mapapanood ang teleserye, na sabi nga nila, kung kailan nasa dulo na ang kuwento, doon pa talaga mas na­ging interesting, at tututukan mo talaga.

Pero, ganu’n naman talaga ang lahat ng teleserye, na kapag malapit nang matapos, doon mo gustong abangan ang bawat eksena. Na sa simula ng kuwento, parang gusto mo na agad hilahin sa dulo.

Bigo ba ang The Cure na ma-achieve ang gusto nilang makuha? Kung ang pataubin ang katapat na teleserye nito ang pagbabasehan, naging mahirap ang giyerang ‘yon para sa kanila.

Sa lakas ng kalaban nila, at sa taba ng utak ng kampo ni Coco Martin, mahirap magwagi sa laban na ito.

Sa simula pa lang, tila hindi na nagustuhan ng mga manonood ang konsepto na diumano ay ginaya sa mga pelikula, palabas sa Amerika, na tungkol sa zombies. Sa Pilipinas nga kasi ay mahirap paniwalaan ang ganiyan.

Pero kahanga-hanga ang lakas ng loob ng grupo ng ‘The Cure’ na gawin pa rin ang teleseryeng ito, at maghatid ng panibagong putahe sa mga manonood. Hindi mahalaga kung saan sila mapapadpad nung mga panahon na ‘yon, dahil ang mas importante nga ay subukan nilang bigyan ng panibagong pagkain ang mga nagugutom.

***

Heto ang reaksiyon ng mga manonood:

“Thank you for 13 weeks/65 days tweeting with us. Hanggang sa muli,” sabi ni @UDJJLP

“Somehow sad. The viral fi­nale has come,” @RealChardestiny

“For bashers, please read first or watch the trailers. Also, see the simplest visual representation,” @JazzYanks3

“Being defeated is often a temporary condition, giving up is what makes it permanent.” — @itzme_lynne

“Let the refining and improving of your own life keep you so busy that you have little time to criticize others,” @ginarigos

“Disappointed cannot even describe how I feel right now. I am livid,” @bulletand Sophia

“Huhuhu grabe habang nanonood ako parang hindi ako makahinga sa eksena niyo,” @arcdelacalzada

“Sa Team Cure nice tweeting and brainstorming guys,” @zuxzadivina_

***

Nakakaaliw lang basahin ang mga tweet ng mga manonood, dahil nakaramdam pa rin sila ng kilig sa gitna ng trahedya. Nandiyan ang kiligin sila sa mga eksena nina Jennylyn at Mark Herras.

Ang nakakilig na virus na ikinalat nina Jennylyn at Mark noong sila pa, at mga bago-bago pa lang sila sa showbiz, muling naramdaman ng mga tagahanga nila.

At super kilig din daw sila sa mga eksena nina Kylie Padilla at Ruru Madrid, ha! Ang KyRu ay nabuo sa ‘Encantadia’ noon.

Ang weird, ‘di ba? Dalawang tandem na sob­rang magkasalungat na, malabong magkabali­kan sa huli, pero kinakikiligan pa rin.