THEA, PALABAN SA ALDEN-MAINE FANS!

By

Thea Tolentino
Thea Tolentino

“Hindi magpapatalo si Trish!” simpleng caption ni Thea Tolentino sa photo na pinost niya sa kanyang Instagram, na kung saan ay naka-highkini (high waist bikini) siya with matching red bra top.

Si Trish ay ang character ni Thea Tolentino sa Destined To Be Yours, na kinamumuhian na ngayon ng mga AlDub fans. Lalo na sa eksena kamakailan, na kung saan ay hinalikan na nga ni Thea (Trish) si Alden (Benjie).

Ikinagalit talaga `yon ng mga fans nina Alden at Maine Mendoza. Na para sa kanila, okey lang na kontrabida si Thea, pero wala na raw dapat halikan pa.

Na sinasabi nga nila, ang mga lips ni Alden ay para lang sa mga lips ni Maine. Bongga!

Anyway, halo ang emosyon sa photo na `yon ni Thea. Humamig ng panlala­it­, na kesyo walang shape ang katawan nito, at wala ring boobs. Flat chested daw, at direts­o lang ang katawan. Kumbaga, walang appeal sa kanila.

Pero siyempre, opinion `yon ng mga fans na galit na galit kay Thea, dahil sa pagiging Trish niya. Pero, hindi ba, mas dapat na matuwa si Thea, na galit na galit sa kanya ang mga fans ng Destined To Be Yours, dahil ang ibig sabihin lang nun, magaling siyang kontrabida.

Kunsabagay, sa teleserye pa lang nila ni Barbie Forteza noon, bongga na siyang kontrabida. Ang beauty nga niya ay pang-kontrabida talaga. Kung ako kay Thea, tama lang na i-enjoy niya ang panlalait sa kanya. Na kahit sabihin pa ng iba, na sumisikat siya ngayon, dahil kumabit siya sa AlDub, okey lang talaga.

Na kahit laitin siya ngayon ng mga fans nina Alden at Maine, tanggapin lang niya, dahil ganun talaga ang kapalaran ng mga kon­trabida. Hindi ba, si Princess Punzalan noon, halos hampasin na ng payong ng isang matandang babae, dahil sa galit sa kanya noon, sa mga pinaggagawa niya kay Claudine Barretto sa teleserye nila sa ABSCBN 2.

Pero, nung tumagal, tinaggap ng fans ni Princess ang kahusayan niya bilang mahusay na kontrabida. Bilang tunay na aktres.

Anyway, si Thea nga, nakakaaliw lang tingnan, na ang mga bashers niya, pinapatulan din niya. Sa Twitter nga niya, may nagsabi na ‘wag na ‘wag siyang dadaan sa lugar nila, at makikita niya o matitikman niya ang hindi pa niya natitikman.


Sinagot lang ito ni Thea na, ‘Ikaw rin, wag kang dadaan sa lugar ko.”

At kahit ang boyfriend ni Thea na si Mikoy Morales, damay rin sa galit ng ibang fans. Pero, may iba naman na idinadaan lang sa biro ang lahat.

Tulad nga nitong nag-utos kay Mikoy sa Twitter na…

“Pasabi kay Trish wag nyang sabunutan si Sinag, kame sasabunot sa kanya pag ginawa nya. Lol.”

Sinagot naman ito ni Mikoy na…

“At kayo rin sasabunutan ko pag ginawa niyo ‘yun. Lol.”

Well, mas kaabang-abang pa nga ang mga gagawin ni Thea sa Destined To Be Yours. At `yun ang dapat tutukan ng mga fans, ha!


SHARE