Una sa Balita

The Sweetheart and the Balladeer

0 272

Hello there!

Ang lucky ko as I joined Christian Bautista, Super Tekla, Donita Nose at Julie Anne San Jose sa third leg ng “The Sweetheart and the Balladeer (Fun Night Only)” sa Urdaneta City Cultu­ral Sports Center sa Urdaneta City, Pangasinan this Sa­turday, February 8.

Naging successful po ang 2 shows nito sa Iloilo City at Cagayan de Oro City in 2919 which I was also a part at first time ko ring mag-perform with them.

This year, ito bale ang opening salvo ng GMA as the network celebrates its 70th anniversary. So honored and grateful na ma­ging bahagi po ako ng selebrasyon.

Sabi nga ni Kuya Christian and I quote: “We’re ho­nored, grateful, na we’re truste­d to open the show. We would like to thank our (GMA) bosses who really believe in us and also we would like to thank the audiences na nanood at manood and our fellow Kapuso who made it successful.”

“Kasi kung hindi naman po naging successful ‘yung dalawa (shows in Iloilo City and CDO), hindi naman magbubunga. So we‘re very thankful na na­ging successful ‘yung dalawa. The opportunities of the original GMA Entertainment Group and Regional TV to continue it and we hope na ma-tour din naman ito sa ibang probinsya, God-wil­ling, kung meron pong producers na intereste­d and maybe abroad as well.

“That’s we aim for and pray for. We also would like to wish success du’n sa other shows that GMA will eventually produced whether we are there or not kasi other artist­s are lined-up to do shows as well.” Sobrang nakaka-inspire po, ‘di ba?

Anyway, besides being the opening salvo, bale magsisilbing pre-Valentine show na rin itong “The Sweetheart and the Balladeer (Fun Night Only).”

At dahil nga bahagi itong concert ng 70th anniversary celebration, makakaasa po ang mga manonood ng isang world class performance from all of us. Itotodo na namin po. I’m really excited to perform para sa mga kababayan natin sa Pangasinan at mga karatig na bayan at siyudad.

Related Posts

Abangan nila ‘yung duet namin ni Kuya Christian na tiyak pong kikiligin na naman ako nito at dapat ding abangan ang iba pang production numbers lalo na ang co­mic duo nina Super Tekla at Donita Nose. Ibang klase silang mag-perform at magpasaya ng tao.

May nagtanong po sa akin kung comfortable na raw ba akong mag-perform with Kuya Christian at Ju­lie Anne, oo naman po.

Kasi siyempre, nakasama ko naman po sila sa “Studio 7” (defunct show ng Kapuso Network) at nga­yon po sa “All-Out Sundays,“ na napapanood tuwing linggo po ng tanghali.

I just love performing with them. Mas comportabl­e na po ako compared before. Mas relax na po nga­yon pero isa po sa ikinatutuwa ko is nandon po sila to guide me kung paano pong kumanta, mag-perform in general.

At isa po ‘yun sa sobrang grateful po ako na makasama sila, na hindi nila ipinagkakait na i-share ‘yung kanilang talents sa akin. Sila po kasi ‘yung taong ne­ver nilang ini­isip na Christian (Bautista) o Julie Anne (San Jose) na sila, kumbaga, tinutulungan po nila akong umangat sa aspeto ng pagpe-perform.

Makisaya at makitawa na sa “The Sweetheart and The Balladeer (Fun Night Only)” ngayong February 8 sa Urdaneta City Cultural and Sports Cen­ter, Urdaneta City, Pangasinan.

Available na po ang tickets sa GMA Dagupan Station, lahat ng Addessa outlets sa Pangasinan, Ticketworld outlets, o online via Ticketworld. Maaari ring tumawag sa +6375-522-0077 or +63915-422-3393.
Ciao and see you there, mga Kapuso!

Kita-kita next week! Diyos mabalos saindo gabos. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More